?

Log in

andres bonifacio community's Journal
 
[Most Recent Entries] [Calendar View] [Friends]

Below are the 9 most recent journal entries recorded in andres bonifacio community's LiveJournal:

Friday, August 22nd, 2008
3:25 pm
[emil08]
12:28 pm
[emil08]

Who is your favorite Filipino Hero and why ? Rank your Filipino Hero?

<input ... > Jose Rizal
<input ... > Andres Bonifacio
<input ... > Marcelo H. del Pilar
<input ... > Apolinario Mabini
<input ... > Gabriela Silang
<input ... > Emilio Aguinaldo
<input ... > Lapu-Lapu
<input ... > Antonio Luna
<input ... > Emilio Jacinto
<input ... > Macario Sakay
<input ... > Ninoy Aquino
<input ... > Tandang Sora
<input ... > Francisco Dagohoy

survet lang! thanks
Wednesday, August 20th, 2008
3:53 pm
[emil08]
ang dapat mabatid ng mga Tagalog

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

 Isinulat ni Andres Boniacio

 

ITONG Katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil dito'y mayaman ang kaasalan ng lahat. Bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog.

Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo.Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kukumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y inihalo't ininom nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang tinatawag na Sandugo (1) ng Haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa Espanya.(2)

Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong Katagalugan.

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa
kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.

At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan.

Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating
katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya (3) ng mga manlulupig na Kastila.

Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo't lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.

Ano ang nararapat nating gawin?

Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.

Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan, lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.

Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.

Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.

Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.

Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.

Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.


 

3:40 pm
[emil08]
Andres Bonifacio


 

 

Andres Bonifacio (1863-1897) was the foremost Philippine revolutionary who organized the KKKAnB which spearheaded the 1896 Revolution against Spain.

Andres Bonifacio was born to Santiago Bonifacio and Catalina de Castro, a Spanish mestiza in Tondo, manila on November 30, 1863. He started his early education in the school of Guillermo Osmeña of Cebu. He reached only primary school. At the age of 14, his father and mother died, forcing him to quit his studies and to look after his younger brothers and sisters. As a means of support, he had them help him make wooden canes and paper fans, which he sold in the streets.

Having learned how to read and write, he became a clerk messenger of Fleming and Company, a business firm dealing with rattan, tar, and other articles of trade. Because of his industry he was promoted as agent. But his earning were still not sufficient to support the orphans. He moved to Fressell and Company as an agent. He showed determination and industry in his job. He supplemented his education through further reading and self-study. He wrote poetry and even became a stage actor in moro-moro. He later became a mason and a sworn enemy of Spanish authorities.

He became a member of La Liga Filipina, an organization founded by Jose Rizal upon his return from Europe. But when Rizal was deported to Dapitan making the Liga practically dead as an organization, he quickly organized the Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.This organization spread rapidly in 1894 in many parts of the Philippines. He felt that he was about ready to lead a successful revolt in May 1896. However, before he could act, the Katipunan was discovered by the authorities. More than 1,000 Katipuneros assembled with him at Pugad Lawin, Caloocan, on August 23, 1896 and tore their cedulas. Since the time the Katipunan was discovered, they evaded arrest, won uncertain victories and incurred severe defeats. This prompted the Magdiwang faction to invite Bonifacio to Cavite to settle their differences and remain united.

An assembly was called at Tejeros, Cavite. Bonifacio presided the conference to establish the Republic of the Philippines. In the election, Emilio Aguinaldo was elected President, Mariano Trias, Vice-President and Bonifacio as Secretary of the Interior. Daniel Tirona questioned Bonifacio's qualifications, and Bonifacio was offended. Evoking his authority as the supreme head of the Katipunan, he declared the proceedings void. Bonifacio moved to Naic, Cavite and started to form his own government and army. Meantime, the advancing troops of Spanish General Camilo de Polavia threatened to capture Cavite. Aguinaldo ordered Gen Pio del Pilar and Noriel who were being given new higher positions to leave the Bonifacio camp and go back to their duties.

Bonifacio with his family and men left Naic for Indang. On his return from Montalban, Aguinaldo sent men to arrest him, but Bonifacio resisted arrest and was wounded. He faced a trial for acts inimical to the existence of the new government and was given the death sentence by a military tribunal. 

Aguinaldo's men executed him in the mountains of Maragondon, Cavite on May 10, 1897.

3:09 pm
[emil08]
Who is Andres Bonifacio?


Sino si Andres Bonifacio?


Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap.

Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio.

Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.

Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahay-kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan (agente) ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing (puno ng pili), yantok, at iba pa.

Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilà. Ang sahod niya ay mga 12 piso lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na inilako ng kanyang mga kapatid.

Bukod sa kanyang hanap-buhay, si Bonifacio ay mahilig magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayo (tela, cloth) na ipinagbibili rito sa atin.

Siya ay mahilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-himalingang basahin ay ang mga aklat na nakapagturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya (French revolution), “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables” ni Victor Hugo,El Judio Errante,” ang Biblia, ang mga aklat ni Jose Rizal at ibá pa. Siya ay tutuong mahilig sa pagbasa. May mga gabing halos hindi nakakatulog sa pagbabasá.

Siya ay nagka-asawa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó ay pinalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus), tagá-Caloocan na ang sagisag ay “Lakambini.” Sila ay nagkaroon ng isáng anák na namatay (sa bulutong).

May mga sulat na naiwan si Bonifacio. Mga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog,” “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan,” (tula) at iba pa. Nguni’t ang lalong pinaka-mahalaga, bukod sa tuntunin at mga aral ng Katipunan at ang “Katungkulan ng mga Anák ng Bayan” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isina-Tagalog sa gitna ng pagdagundong ng paghimagsik, na siyang inawit ng ating mga kawal nang sila ay nakipaglaban sa Castilà.

Dinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya ay ipinalalagay na dakilang bayani, kapiling ni Rizal, sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, o KKK” na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pag-usig ng kanilang ikalalaya. Ang sagisag niyá ay “May-pagasa” na “nangyari” bago siyá mamatay.

3:09 pm
[emil08]
Mi Ultimo Adios



Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal

(Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres Bonifacio)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam

lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan

kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.

Masayang sa iyo’y aking idudulot

ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

maging maringal man at labis alindog

sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis

ang alay ng iba’y ang buhay na kipkip;

walang agam-agam, maluwag sa dibdib,

matamis sa puso at di ikahapis.

Saanman mautas ay di kailangan,

sipres o laurel, liryo ma’y putungan,

pakikipaghamok at ang bitayan

yaon ay gayundin kung hiling ng Bayan.

Ako’y mamamatay ngayong namamalas

na sa silanganan ay namamanaag

yaong maligayang araw na sisikat

sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakaylangan

na maititina sa iyong liwayway,

dugo ko’y isabog at siyang ikinang

ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapol magkaisip

nang kasalukuyang bata pang maliit

ay ang tanghalin ka at minsang masilip

sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal,

taas na ang noo’t walang kapootan,

walang bakas kunot ng kapighatian

gabahid mang dungis niyang kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita

maningas na aking ninanasa-nasa

ay guminhawa ka, ang hiyaw ng diwa

paghingang papanaw ngayong bigla-bigla.

Ikaw’y guminhawa laking kagandahang

ako ay malugmok at ika’y matanghal

hininga’y malagot, mabuhay ka lamang,

bangkay ko’y masilong sa ‘yong kalangitan.

Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas

sa malagong damo mahinhing bulaklak,

sa mga labi mo’y mangyaring ilapat,

sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa’y iparamdam

sa lamig ng lupa ng aking libingan

ang init ng iyong paghingang dalisay

at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki’y ititig

ang liwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki’y ihatid

magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung saka-sakaling bumabang humantong

sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon,

doon ay bayaang humuning hinahon

at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

ula’y pasingawin noong kainitan,

magbalik sa langit nang buong dalisay

kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sinuman sa katotong giliw

tangisan maagang sa buhay pagkitil;

kung tungkol sa akin ay may manalangin

idalangin Bayan yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,

nangagtiis hirap na walang kapantay,

mga ina naming walang kapalaran

na inihihibik ay kapighatian

Ang mga nabao’t pinapangulila,

ang mga bilanggong nagsisipagdusa,

dalanginin namang kanilang makita

ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung sa madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga’t

tanging mga patay ang nangaglalamay,

huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain

kaipala’y [dinig] doon ang taginting,

tunog ng gitara’t salteryo’y magsaliw,

ako, Bayan, yao’t kita’y aawitin.

Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat

at wala nang kurus at batong mabakas,

bayaang linangin ng taong masipag,

lupa’y asarulin at kanyang ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw

mauwi sa wala at kusang maparam,

alabok ng iyong latak ay bayaang

siya ang bahalang doo’y makipisan.

Kung magkagayon na’y aalintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin

pagkat himpapawid at ang panganorin,

mga lansangan mo’y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,

ilaw, mga kulay, masamyong pabango,

ang ugong at awit, paghibik sa iyo,

pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit n’yaring hirap,

Katagalugan kong pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;

diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako’y patutungo sa walang busabos,

walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo’y di nakasasalot,

si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Pagpasalamatan at napahinga rin,

pa’lam estrangerong kasuyo ko’t aliw,

paalam sa inyo mga ginigiliw,

mamatay ay siyang pagkakagupiling.


3:09 pm
[emil08]
Two Poems of Andres Bonifacio

Tapunan ng Lingap
      ni Gat Andres Bonifacio


Sumandaling dinggin itong karaingan,

Nagsisipag-inot magbangon ng bayan’

Malaong panahon na nahahandusay

Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,

Ang tapang at dangal na dapat gugulin?

Sa isang matuwid na kilala natin

Ay huwag ang gawang mga pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali

Na ikinasira ng taas ng uri,

Ang bayang Tagalog ay may asa dili

Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang

Tanawin ng tao at wikang mainam

Kung mananatili ina nating Bayan

Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina mga kaibigan,

Kami ay tulungang ibangon sa hukay

Ang inang nabulid sa kapighatian

Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak

Sa mga balita ng Kastilang uslak;

Ugali ng isang sa tapang ay salat

Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka

Sa lahing berdugo na lahing Espanya;

Nangaririto na para manggagaga,

Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok

Sa kaaway natin na may loob hayop,

Walang ginagawa kundi ang manakot

At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,

Diyos na poon ko’y huwag ipagkait

Sa mga anak mong napatatangkilik

Nang huwag lumagos sa masamang hilig.

Kupkupin no nama’t ituro ang landas

Ng katahimikan at magandang palad;

[Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,]

Kaluluwa naming nang di mapahamak.

 

 

 

 

Ang mga Cazadores 
      ni Gat Andres Bonifacio


Mga kasadores dito ay padala

Sanhi daw sa gulo’y lilipulin nila

Ngunit hindi laban yaong kinikita

Kundi ang mang-umit ng manok at baka.

Yaong mga bayang sa tahimik kanlong

Sa mga Kastila’y siyang hinahayon,

Ang bawat makita nilang nilalamon

Pinag-aagawan dahilan sa gutom.

Buong kabahayan ay sinasaliksik,

Pilak na makita sa bulsa ang silid;

Gayon ang alahas at piniling damit

Katulad ay sisiw sa limbas dinagit.

Sa mga babae na matatagpuan

Mga unang bati’y ang gawang mahalay;

Kamuntikan man lamang di nagpipitagan

Sa puring malinis na iniingatan.

At ang mga lakong kamatis [at] pakwan,

Milon, at iba pang pinamuhunanan

Walang nalabi sa pag-aagawan

Ng mga Kastila kung matatagpuan.

Lahat ng makita nilang maggagatas

Agad haharangin, dada’nin sa bulas,

Tuloy lalaklakin ng mga dulingas

Anupa nga’t wala nang pinalalampas.

Ngalang “cazadores” hindi nararapat

Kundi “sacadores” ang ukol itawag;

Bakit sa [tagaa’y] malayo at agwat

Mandi’y halataing matakaw at duwag.



2:57 pm
[emil08]
Love of motherland


here is the most popular poem of our beloved hero....

 

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
             ni Gat Andres Bonifacio


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip

At isa-isahing talastasing pilit

Ang salita’t buhay na limbag at titik

Ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal

Sa tapat na puso ng sino’t alinman,

Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,

Nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad

Sa bayan ng taong may dangal na ingat;

Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,

Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;

Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal nang laki

Na hinahandugan ng buong pagkasi?

Na sa lalong mahal nakapangyayari

At ginugugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

Siya’y ina’t tangi na kinamulatan

Ng kawili-wiling liwanag ng araw

Na nagbigay-init sa lunong katawan

Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap

Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas

Sa inis na puso na sisinghap-singhap

Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

Mula sa masaya’t gasong kasanggulan

Hangang sa katawa’y mapasalibingan.

Ang nangakarang panahon ng aliw

Ang inaasahang araw na darating

Ng pagkatimawa ng mga alipin,

Liban pa sa bayan saan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga

Na parang niya’t gubat na kaaya-aya,

Sukat ang makita’t sasaalaala

Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya.

Tubig niyang malinaw na anaki’y bubog,

Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,

Malambot na huni ng matuling agos,

Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!

Gunita may laging sakbibi ng lumbay.

Walang alaala’t inaasam-asam

Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan

Wari ay masarap kung dahil sa Bayan

At lalong maghirap, O! himalang bagay,

Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasasapanganib

At siya ay dapat ipagtangkilik

Ang anak, asawa, magulang, kapatid

Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwat kung ang bayan ng Katagalugan

Ay linapastangan at niyuyurakan

Katuwiran, puri niya’t kamahalan

Ang sama ng lilong taga-ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghihinagpis

Ng pusong Tagalog sa puring nilait?

Aling kalooban na lalong tahimik

Ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay

Sa paghihiganti’t gumugol sa buhay

Kung wala ding iba na kasasadlakan

Kundi ang lugami sa kaalipinan?

Kung ang pagkabaon niya’t pagkabusabos

Sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop

Supil ng paghampas, tanikalang gapos

At luha na lamang ang pinaaagos?

Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay

Na di aakayin sa gawang magdamdam?

Pusong naglilipak sa pagkasukaban

Ang di gumugol ng dugo at buhay.

Mangyayari kaya na ito’y malangap

Ng mga Tagalog at hindi lumingap

Sa naghihingalong Inang nasa yapak

Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?

Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

Baya’y inaapi, bakit di kumilos

At natitilihang ito’y mapanood?

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay

Sa pag-asang lubos na kaginhawaan

At walang tinamo kundi kapaitan

Hayo na’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong natuy’an na sa kapapasakit

Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib

Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig

Kusang ibulalas sa Bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak

Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat

Ng bala-balakit makapal na hirap

Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang [niyurakan]

Ng daya at bagsik ng ganid na asal,

Ngayon ay magbango’t Baya’y itangkakal

Agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging [palad]

Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap

Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas

Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,

Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,

Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]

Ito’y kapalaran at tunay na langit.

 

       --------o0o---------



2:48 pm
[emil08]
Katapusang hibik ng Filipinas

Its the month of August, ispisyal ang buwang ito para sa akin...ipinanganak ako sa buwang ito...  buwan ito ng Katipunan, ay basta... maganda yatang gunitain ko ang mga bayani na aking iginagalang at hinahangaan

at maalala na rin na mga nakaraan, sanai di masayang ang kanilang mga ipinaglaban para sa ating bayan...

ilan sa naipon kong tulang mga naisulat ni Andres Bonifacio, ang supremo ng Katipunan....



Katapusang Hibik Ng Filipinas
                ni Gat Andres Bonifacio


Sumikat na Ina sa sinisilangan

Ang araw ng poot ng Katagalugan,

Tatlong daang taong aming iningatan

Sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak

Sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;

Iisa ang puso nitong Filipinas

At ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis

Ang layaw ng anak: dalita’t pasakit;

Pag nagpatirapang sa iyo’y humibik,

Lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,

Hinain sa sikad, kulata at suntok,

Makinahi’t ‘biting parang isang hayop;

Ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon;

Barilin, lasunin, nang kami’y malipol.

Sa aming Tagalog, ito baga’y hatol,

Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;

Bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan,

Kaya kung ihulog sa mga libingan,

Linsad na ang buto’t lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Filipinas

Na layaw sa Ina kundi pawang hirap;

Tiis ay pasulong, patente’y nagkalat,

rekargo’t imp’westo’y nagsala-salabat.

Sari-saring silo sa ami’y inisip,

Kasabay ang utos na tutuparing pilit,

May sa alumbrado—kaya kaming tikis,

Kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,

Bukid at tubigang kalawak-lawakan,

At gayon din pati [ng mga halaman],

Sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito’y ang mga iba pa,

Huwag nang saysayin, O Inang Espanya!

Sunod kaming lahat hanggang may hininga,

Tagalog di’y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya’t sukaban,

Kami’y di na iyo saan man humanggan,

Ihanda mo, Ina, ang paglilibingan

Sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog

Ang baril at kanyong katulad ay kulog;

Ang sigwang masasal sa dugong aagos

Ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa

Ng mga Tagalog, O! Inang kuhila,

Paraiso namin ang kami’y mapuksa,

Langit mo naman ang kami’y madusta.

Paalam na Ina, itong Filipinas,

Paalam na Ina, itong nasa hirap;

Paalam, paalam, Inang walang habag,

Paalam na ngayon, katapusang tawag.

 

       --------o0o---------


About LiveJournal.com